Oct 16, 2005

Psych Unit

Hohummmm...(sabay inat ng katawan)...Ano ba to?...hindi na ako makatulog...tatlong oras pa lang akong natutulog ah...o...nagtataka ka pa, e nagtrabaho ako kagabi...ano tinrabaho ko?...e ano pa? e di mga mentally & emotionally challenged people...
oo, sa isang mental facility dito sa Oakridge TN ako nadestino kagabi...aba e masaya ang buhay ko...wala yata akong ginawa kagabi kundi mag-basa ng Star, National Enquirer, US, Life&Style, People's Magazine at 1973 edition ng Guinness Book of World Records...o di ba..habang ang mga pasyente ko na may...akala ko interesante ang buhay ng mga artista...kabi kabila ang pagwawaldas ng salapi sa breast reduction, breast implants, face lifts, tummy tucks, magagarbong damit, sapatos at mamahaling bag, ang paghihiwalay, pagsasama at pagbubuntisan ng kapwa artista, at ang kanilang mga makabagong pananaw tulad ng scientology (ok sa ibang blog mo na basahin kung ano ang pinyon ko sa lintik na sekta na iyan)...


ang punto...mas interesante ang buhay ng mga pasyente ko kagabi...naubusan lang ako ng chart na babasahin kagabi at isa pang hinidi maiiwasang dahilan kung bakit mga basurang magasin ang nabasa ko kagabi habang natutulog ang aking mga pasyente e dahil sa pagiging henyo ng mga doktor sa kanilang favorite subject - Unreadable Script 101 - (Beginner's course for MD's who wants to write like a chicken scratch so they can get paid million bucks a year and to be eligible to numerous malpractice legal suits)...hay naku...in short, hindi ko na mabasa!...


anyway, nais kong kalikutin at bulatlatin ang mga nasasaisip at nasasaloob ng mga taong ito...ano kaya ang kanilang mga hinaing sa buhay?...maraming stressors kung bakit na ti trigger daw ang kanilang pagiging BIPOLAR, MANIC DEPRESSIVE, SCHIZOPHRENIC, at CHEMICAL DEPENDANTS...


pero ang mga kuwento nila...ang kanilang family background...
tsk tsk tsk...marami talagang napupulot ang ating brain cells habang tayo ay lumalaki...at least magbuhat nug tayo ay ipinanganak hanggang sa edad na disiotso...para nga daw sponge ang utak ng tao...absorb lang ng absorb tapos pagdating ng edad disiotso nababawasan ang ating brain cells...pero of course naman napapalitan ito pero mas mabagal ang pagproduce ng new brain cells kesa sa pagkawala nito...


pero medyo inaantok na ako..bukas na lang siguro ulit ako magsusulat tungkol sa dito...
hintay na lang sa continuation....


Posted by nixinne :: 11:24 AM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------