|
Jan 29, 2007 bilang isang blogger excerpt from: http://pinoybloggers.wordpress.com/2007/01/21/filipino-bloggers-know-their-rights/ --------------------------------------------------- Bilang Isang Blogger 1. Nauunawaan ko na karapatan ko ang sumulat ng tula, kahit pa ang mga salita nito ay di magtugma, kahit na mababaw, kahit na hindi pang elitista o pangmasa. 2. Nauunawaan ko na karapatan kong ang sumulat ng kwento, ibahagi ang aking lungkot, duda, saya at minsan maging ang kawalan ng pag-asa. 3. Nauunawaan ko na karapatan kong isiwalat ang aking opinyon tungkol sa politika, simbahan, pamayanan o kahit pa tungkol sa aking pang maliit na lipunang ginagalawan. 4. Nauunawaan ko na karapatan kong ilabas ang aking inis, asar, yamot, galit, muhi sa aking nanay, tatay, kamag-anak, kabitbahay, at maging sa aking sarili. 5. Nauunawaan ko na karapatan kong kumbinsihin at paniwalain ang iba ayon sa aking idelohiya. 6. Nauunawaan ko na karapatan kong magtanong sa bagay bagay na makaaapekto sa akin, sa aking kaibigan, kapamilya o kababayan. 7. Nauunawaan ko na karapatan kong ikumpara ang dalawa o higit pang prinsipyo, bagay, lunan, o personalidad. 8. Nauunawaan ko na karapatan ko ang magsiwalat ng mga larawang nagpapahayag ng aking damdamin o katayuan sa buhay. 9. Nauunawaan ko na karapatan kong itago ang aking tunay na pangalan o kahit ano pang pagkakakilanlan. 10. Nauunawaan ko na karapatan kong ibahagi ang aking paniniwala o kawalan ng paniniwala sa diyos o mga diyos. 11. Nauunawaan ko, na bukod sa mga nabanggit at marami pa akong maaring gawin bilang isang blogger. 12. Nauunawaan ko na karapatan ko ang maging malaya sa pakikialam ng kahit sino man. Ang pagiging blogger ay aking karapatan. Karapatan ko ang maging malaya sa pagpapahayag. Ako ay isang blogger. At nauunawaan ko ang lahat ng ito. Bilang isang blogger din, ibinibigay ko sa iyo ang karapatan na kopyahin ang listahang ito para ilagay sa blog mo sa kasunduang bibigyan mo ako ng karampatang pagkilala. Hiling ko lang sana ay maalala mo, kung sino ang nagpaalala sa iyo ng mga karapatan mong ito! Oh, para hindi matakaw sa space, pwede mo na lang itong i cut-and-paste: Bilang Isang Blogger Kailangan mong malaman ang iyong mga karapatan! Ganito ang kalalabasan nyan Bilang isang blogger, kailangan mong malaman ang iyong mga karapatan! |