|
Feb 18, 2006 buhay ng isang biktima "I've got the same question to myself more than a few times...im the perfect liar...ang galing galing ko manloko ng ibang tao...lalo na sa kung ano ang nararamdaman ko...pero ang masakit...hindi ko maloko ang sarili ko...i know who i am and everytime i try to start over (which i have done several times) i still feel na hindi na nga ako magbabago dahil part na iyon ng buhay ko...it's my history, i can never change it...may nabasa akong leaflet noon about God and death...na pag namatay ka raw ni-re-rewind ang buhay mo sa harapan mo na parang pelikula...my god...nakakahiya...pinipilit ko na nga lang kalimutan kung ano ng mga pinaggagawa ko sa buhay ko dahil kung hindi baka maunahan pa kita sa kabilang buhay...sorry if i said that...anyway...i not only grieve for you...i grieve for myself too...hindi ako naawa sa iyo, naaawa ako sa sarili ko dahil ikaw maysakit pero pinipilit mabuhay pero ako buhay pero pinipilit magpakamatay...sa anong paraan, hindi ko alam...not in a physical sense but something else..." comment ko ito sa fellow blogger dito...biktima...may tanong siya sa isa sa mga blog niya na kinailangan kong sagutin kasi nga pinag-isip niya ako...wala mang nagbabasa nito na kagaya ng sa kanya...at least alam ko may napaglalabasan ako ng nasasaisip ko...galing nga ng nag refer sa akin sa site niya...yung best friend kong si chico...parehas kasi kaming "malalim mag-isip"...that is pag pinipili naming kalikutin ang laman ng utak namin pag makausap kami... bihira akogn mag-blog...sabi nga ni chico...pag-bored lang daw ako...na kalahating totoo naman...kasi yung kalahati...parati akong bored, meron lang nag-o-occupy ng time ko kaya nde ako makapagsulat...pero ganon pa rin...bored pa rin...may tanong nga ako sa kanya kanina...mabubuo kaya ang pagkatao ko pag nakuha ko na ang anak ko?...kasi noon akala ko pag nakakuha na akong "matinong boyfriend" mapupunuan na ang pagkukulang sa buhay ko...i realized...hindi pala... |