|
Mar 12, 2006 alaala ng aking tiyo boy,.. malabo ang aking paningin. pinalabo ng hindi matapos na pag-agos ng mga luha. ang mga alaala ng aking tiyo boy ay nagsasalimbayo sa aking isipan. ang kaniyang malumanay na tinig, ang kanyang mga kamay na pinagaspang ng malupit na ekomoniya, at ang kanyang pamilyang umaasa sa kanyang kalakasan ang aking natatandaan. kani-kanina lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking ina. "natanggap mo ba ang email ko? natanggap mo ba?" ang bungad ng aking ina sa telepono. tinanong ko kung ano ang nangyari dahil hindi ko pa naman talaga nababasa. katunayan ay nasa daan pa kami ni mike ng mga sandaling iyon. "patay na ang tiyo boy mo!", ang balisang bigkas ng aking ina. nagpatuloy siya ng pagsasabi tungkol sa nangyari. ang pagbabalik nila ni tom mula sa boston. ang napakaraming mensahe sa telepono galing sa pilipinas. ang putol putol na hikbi, pagluha at pagsasalaysay ng mga pangayayari, ang pagkamatay ng aking tiyo boy dahil sa atake sa puso. "inatake siguro siya sa puso dahil sa matinding pagod. napakabigat naman kasi ng mga trabaho nila pero hindi naman sapat ang kanyang kinikita para sa kanyang pamilya. tinutulungan ko naman sila eh. pero hindi pa rin sapat yun. napagod siguro ng husto..." marami daw akogn hindi alam. na totoo naman. karamihan na kilala kong mga kamag-anak ay sa aking ama. bibihira ang mga kamag-anak na aking kilala sa panig ng aking ina. bihira kasi kaming magpunta noon kina lola. at tuwing pupunta ako doon ay nakikita ko kung gaano kahirap ang kanilang buhay pati na rin ang aking mga pinsan na lalo yatang dumadami sa tuwing bumibisita ako. bata pa ako noon, wala akong alam... nagpatuloy ang aking ina sa pag hikbi. ang tiyo boy ko ang pinakamalapit na kapatid ni mommy bukod kay tito ricky. si tita beng na saswa ng nasawi kong tiyuhin ay hindi rin daw makausap g akign ina. ang totoo, wala daw siyang makausap na matino. kahit na sino sa kanila. hindi nila sukat akalain na mangyayri ito ng ganito kaaga. bata pa ang aking tiyuhin. palagay ko ay mas bata pa sa aking ina. siya alng daw ang kaniyan ginaasahan. ang kanyang kalakasan, ang kanyan kabutihan, ang kanyang mga kamay na pinagsapang ng ekonomiya... paano na ang akign ina? ni hindi ko man lamang siya mayakap. gusto ko siyan gyakapin. gusto kong lumuha kami pareho habang hawak namin ang kamay ng isa't isa... umaagos na ang mga luha sa aking mga mata. pinalalabo na nito ang aking mga paningain habang ginugunita ko ang alaala nang aking tiyo boy. |