|
Feb 19, 2006 umaga na naman hmmphh (sabay inat) anong oras na ba? 9:42am. grabe, tinatamad akong bumangon. lintik. nasaan na ba ang salamin ko? ayan, may nakikita na ulit ako. hirap kasi ng malabo ang mata. malabo na ang paningin, malabo pa ang pananaw. akala ko wala talagang ibang pilipino nung bagong salta ako dito sa knoxville. e kasi naman, tinutukso ako ng puti kong boypren na nag-iisa lang daw ako dito sa lugar nila. hmp, pinatunayan ko nga. meron silang asosasyon dito. PAAET. as in philippine-american association of east tennessee. ewan ko kung nabanggit ko yun sa previous blog ko lst december. kasi nagpunta kami sa christmas party nila. ok nga eh. nandun pa rin yung filipino festivities. mga batang nagtatakbuhan, sangkaterbang kainan, bandang sintunado, dance intermission ng pandango sa ilaw, at tsismisan kaliwat kanan. oops nakalimutan ko pala yung pabonggahan ng evening gown at alahas. masaya naman talaga eh. nakakaaliw. nawawala ang lungkot ng pagiging homesick pero nakakainis din minsan pag ang makikita mo eh yung negative side na. kagabi, masaya. feeling single ako. inunat ko ng flat iron ang buhok, naglagay ng maskara sa mukha (make up), nagsuot ng paseksing damit kahit di naman seksi (semi formal daw eh), at sumulong mag-isa sa downtown. sa may market square. magkikita daw sa world grotto. nabuburo na kasi ako dito sa bahay eh. hirap ng walang magawa. kaya iyon. marami naman akong nakilala. si daryl, si antonnette..at si...ano nga bang pangalan niya?...sayawan to the max. hiya nga lang ako kasi suot ko yung boots ko eh madulas yung sahig. major embarrassment yun pag nagkataon. kaya nanood na lang ako ng pagsasayaw nila ng walang katapusang line dancing habang umiinom ako ng chocotini. pinagtitinginan ako. yep, yun din yata ang nakapagpadagdag ng hiya ko. bagong salta kasi. at iba raw ako magdamit. wala kasi akon gibang damit kundi yung mga black clothes ko from new york. haay. pagkatapos ng titigang walang katapusan (na natapos din), umalis na ako. punta naman ako sa preservation pub na ilang hakbang lang ang layo sa world grotto. ito na yatang market square ang pinaka gusto kong place dito sa knoxville. na feature pa nga ito sa country living magazine dahil sa eclectic style ng mga bars and stores dito. so ayun. umupo ako sa kanto ng bar, humingi ng isang pint ng guinness. humithit ng nat sherman mint at nagkunwaring masarap mag-isang tumunganga. wala naman talaga akong agenda. ni ayoko ngang uminom. gusto ko lang talagang makasalamuha ng ibang tao maliban kay mike, mark at jamie. kahit masaya silang kasama, iba pa rin yung na e expose ka sa ibat ibang personalidad. at dahil babae ako, gustuhin ko man na makipagkilala sa kapwa ko babae, hindi puwede dahil mapagkakamalan akong tibo (lesbian). hindi naman masama pero wala yata ako sa mood kagabi so umupo na lang ako hanggang sa may nagkainteres na makipag kuwentuhan sa akin na dalwang lalaki. at leas disente silang kausap at magalang. so nalibang ako ng ilang oras. nakinig sa bandang tumutugtog. at bago nag alas dose, umuwi na ako. takot akong mag drive sa gabi eh. malabo kasi ang mata ko. umaga na naman. mamayang gabi pasok na naman ako sa trabaho... |