Feb 20, 2006

nathaniel gabriel

Lagi ko na lang binabanggit si atong sa blog na ito. marapat na siguro na maipakita ko sa lahat ng tao (o kung sino man ang nagkamaling tumingin sa blog site ko) kung sino ang tinutukoy ko.



nathaniel gabriel

ang nag-iisang anak ko. mag si siyam na taong gulang sa ika-27 ng abril. kasalukuyang nakatira sa tondo kasama ng kanyang ama, madrasta at tatlong nakakabatang kapatid.
bibong bata. mabait. mapagmahal sa mga kapatid.
nagtataka siguro kayo kung bakit malayo siya sa akin. kinailangan ng pagkakataon na ako ay mag-isa. mag-isa na sumulong sa alon ng pag-asa at pagkukunwari. ngayon, heto ako, isang propesyonal. may magandang trabaho, may isang taong nagmamahal. sa biglang tingin parang perpektong panaginip pero panaginip pa rin. ang realisasyon na may kulang ay naririto pa rin. iba talaga pag ina. ramdam ang kawalan kapag malayo sa supling. kongitn gpanahon na alng makikita ko na siyang muli. ilang panahon pa at makaksam na kami ng matagal.

Posted by nixinne :: 9:41 AM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------